Advertisers

Advertisers

Kredibilidad ng DOH Usec  kinukuwestiyon 

0 39

Advertisers

Mariing kinukuwestsyon ngayon ang kredibilidad ni Department of Health (DOH) Undersecretary Zhielah Ritz Gatchalian matapos hindi lamang italaga sa pangangasiwa ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP), kundi maging sa paghawak ng petty cash ng ahensya sa ilalim ng Department Personnel Number 2026-1966 na pirmado ni Health Secretary Teodoro Herbosa. 

Nabatid sa nasabing dokumento, na binigyan si Gatchalian ng awtoridad na humawak ng cash advance o petty cash na nagkakahalaga ng P75,000 kada-liquidate. Gayunman, kasabay nito umusbong ang kontrobersiya matapos kumalat sa social media ang alegasyon na kinukuwestsyon ang kredibilidad ng opisyal lalo pang tumitindi ang pangamba ng ilang sektor dahil ang nasabing opisyal, hahawak pa ng pondong madaling galawin. 



Kaugnay nito sa kabila ng pagkuwestsyon sa kredibilidad ni Gatchalian, sa social media binigyan pa rin siya ng otoridad ni Sec.Herbosa na hawakan ang pagpapaikot ng pera para sa operational expenses ng ahensya kabilang ang procurement ng supplies, repair at maintenance ng mga equipment at pasilidad, meal expenses, legal fees, at iba pang gastusin na nangangailangan ng agarang paglalabas ng pondo.

Samantala ,kinukwestiyon ang pagkakatalaga kay Usec. Gatchalian na hahawak sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) matapos kumalat sa social media ang isang post na nag-aakusa umano sa kanyang kredibilidad.



Kaugnay nito, hindi kunbinsido ilang Health advocate at grupo  sa ibinigay na puwesto kay Usec Gatchalian dahil mas marami umano qualified kumpara dito sa naturang puwesto.

Samantala, nabatid pa sa ilang health advocate na hindi umano sila kunbinsido na qualified si Gatchalian sa naturang posisyon 



Na bunga lamang diumano dahil sa backer nito sa Malacañang kung saan nakipag-ex deal umano si Herbosa para ma-appoint din bilang Usec ang bata nitong si Albert Domingo. 

Samantala ,nanawagan sila ng agarang paglilinaw mula sa pamunuan ng DOH kung bakit ipinagkatiwala kay Gatchalian ang ganitong sensitibong tungkulin sa kabila ng mga umiiral na alegasyon (Boy  celario)