Advertisers
Ni Beth Gelena
Unang nalink ang dalawang celebrity na sina Franki Russell at Enrique Gil.
Akala noong una ay wala lang yun pala ay patuloy pa ring nagkikita ang dalawa.
Ayon nga kay Franki nasa yugto raw sila ni Enrique ng “Getting To Know You”
Isiniwalat ng aktres na sila ni Enrique ay nasa yugto ng “pagkilala sa isa’t isa” noon pang g nakaraang taon.
Matapos ang paghihiwalay nina Enrique at Liza Soberano, pumutok ang tsismis tungkol kina Franki at Enrique rnang mamataan silang magkasama sa Bohol.
Kumalat ang mga espekulasyon tungkol sa tunay na kalagayan nila noong Setyembre 2025.
Pero, itinanggi ng aktor na siya ay single nang makapanayam.
Nabanggit pa niya sa isang panayam noong nakaraang taon na isa sa kanyang mga mithiin para sa 2026 ay ang makahanap ng bagong pag-ibig .
Sa isang kamakailang panayam, batay sa video na ipinost ng ABS-CBN sa X, tinanong si Franki tungkol sa pagkaka-link sa kanya sa Kapamilya actor.
Sinabi niya na ito ay isang group trip sa Cebu. Ibinahagi ng aktres na naroon ang kanyang kaibigan, at pati na rin ang kaibigan ni Enrique. Naging masaya ang kanilang karanasan.
Sa kabilang banda, nabanggit niya na nasa yugto sila ng “pagkilala sa isa’t isa” noon, ngunit napagdesisyunan nilang mas mabuting maging magkaibigan na lang sila. Sinabi rin ni Franki na masaya siya para kay Enrique dahil gumagawa ito ng magagandang proyekto.
Nang tanungin kung ano ba ang hinahanap niya na maging boyfriend, aniya, gusto niya ang isang lalaking gagawin ang lahat para ipakita na talagang interesado ito sa kanya.