Advertisers

Advertisers

Lacson plano imbitahan si Co, mga ex-sundalo sa susunod na blue ribbon hearing

0 14

Advertisers

KAPAG pormal nang naihain ang partial committee report nito tungkol sa flood control scandal, posibleng imbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee sa susunod nitong pagdinig ang nadakip na si ex-Rep. Elizaldy “Zaldy” Co kasama si Orly Guteza at ang mga dating sundalo na nag-angking naghatid ng P805 bilyon sa umano’y kickbacks mula sa mga maanomalyang proyekto sa flood control sa iba’t ibang personalidad, batay sa utos ni Co.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee chairman Panfilo “Ping” M. Lacson na ang mga testimonya ni Guteza at ng mga dating sundalo ay “interconnected” kay Co.

Dagdag niya na si Co — na nagsilbing chairman ng House appropriations committee — ay maaaring makapagbigay ng malaking ambag sa mga pagdinig, dahil inilalarawan itong arkitekto ng mga anomalya sa flood control.



Sinabi rin ni Lacson na maaaring imbitahan ng komite ang iba pang personalidad tulad nina dating Undersecretary Adrian Bersamin at dating Budget Secretary Amenah Pangandaman, kung mababanggit sila ni Co sa kanyang testimonya.

Aniya, hindi isinama sa konsiderasyon ang mga naunang pahayag ni Co sa social media dahil hindi ito ginawa sa ilalim ng panunumpa o saklaw ng mga batas ng Pilipinas.



Tungkol naman kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez, sinabi ni Lacson na hindi maaaring ipatawag ng Senado ang Pangulo dahil sa prinsipyo ng separation of powers, habang ang anumang imbitasyon kay Romualdez ay dapat idaan sa Office of the Speaker bilang bahagi ng inter-parliamentary courtesy. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">