Loisa Andalio At Ronnie Alonte & Co-Actors Hinangaan At Pinalakpakan Sa Successful Na Premiere Night Ng “3 Words” Ng Black Cap Pictures
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Through, my Beloved friend Mommy Pinty Gonzaga. Isa kami sa mapalad na naimbitahan ni Ms. Bianca Trinidad ng Black Cap Pictures ni Direk Paul Soriano. Ito ay para sa Premiere Night ng latest movie nilang “3 Words” sa SM The Block Cinema 3 nitong April 21.
Pinagbibidahan ito ng famous showbiz couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte with their co-stars Queenay Mercado, Kych Minemoto, Kate Alejandro, Renzie Aguilar, Angel Raymundo. Si Fifth Solomon ang director ng kakaibang love story film, na tumatalakay sa paggunaw ng mundo dahil sa asteroids o space rock na tatama sa planeta. At sa kung ano ang last 3 words ng mga bidang si Beauty(Loisa) at mga co-actors. Grabe ang lakas talaga ng chemistry nina Loisa at Ronnie as Kyle na campus heartthrob na kinainlaban ng sobra ni Beauty na hindi masabi ang salitang “I Love You”, kay Kyle. Sa bandang huli magugulat ka sa mangyayari sa pinapantasiya niyang mahal siya. Well from pangit to certified beauty. Makatagpo kaya si Beauty ng guy na papalit sa puso niya kay Kyle. Ang husay-husay ng performance ni Loisa sa movie. Deserve niyang magkaroon ng acting award. Yes mula sa pagiging teenstar, ay matagumpay ang transisyon ng actress, bilang top leading lady, carrying emotional roles sa mga eksena nito sa 3 Words. And for the very first time ay may kissing scene at lovescene sila ni Ronnie rito. Patunay na carry na ng dalawa na gumanap ng matured roles. Yes, hinangaan sila at pinalakpakan sa said premiere night dahil sa husay ng kanilang mga performance. Maging ang mga kasamahan sa movie na sina Queenay(Sofia), Kych(Lester), Renzie(Clemerton), Angel na portraying the role of Rosa, na very naughty ang last 3 words na gustong makakita ng nota at maka- Bj. Si Clemerton naman ay parating sigaw ay “I Am Gay”. At “I am HIV positive” naman ang linyahan ni Lester sa maaring pagunaw ng mundo sa loob ng tatlong araw. Makaligtas kaya silang lahat sa pagbanggaan ng asteroids at planeta? Ang kasagutan, watch mo ang 3 Words na showing na in Cinemas Nationwide. At wala ka ng hahanapin pa sa pelikulang ito na patarawanin ka, paiiyakin, kikiligin, at maraming realizations sa buhay, na mapupulot mo rito. Samantala, ilan sa mga celebrity sumuporta sa LoiNie(Loisa and Ronnie) love team, ay sina Charlie Dizon, Jackie “Ate Girl” Gonzaga ng It’s Showtime, Siblings Chariz and Fourth Solomon, Direk Mikhail Red, Talent Manager Tyronne Escanlate, Etc. At siyempre pa ang mga fans nina Loisa at Ronnie na hanggang ngayon ay parati pa ring nakasuporta sa kanilang iniidolong sikat na Love team.