Advertisers

Advertisers

Harry Roque, nagpasaklolo sa CA upang kwestyunin kanselasyon ng pasaporte at ‘fugitive tag’

0 7

Advertisers

NAGHAIN ng petisyon sa Court of Appeals (CA) si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay sa pagkansela sa kaniyang passport at pagdeklara sa kaniya bilang pugante.

Pahayag ng kampo ni Roque, inihain ang Petition for Certiorari upang kuwestiyunin ang ruling ng Pasig City Regional Trial Court at itigil ang implementasyon nito.

Ang pagkansela raw sa kaniyang passport at pagdeklara bilang pugante ay wala umanong legal na basehan at maituturing na paglabag sa kaniyang karapatan.



Iginiit din ng dating kalihim na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang korte dahil sa paglabag sa kaniyang karapatan sa ilalim ng due process, presumption of innocence at fredom to travel.

Nabigo rin aniya ang korte na kilalanin ang kaniyang patuloy na paghiling ng asylum sa Europe na dapat sundin ng Pilipinas sa ilalim ng international law.



Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">