Advertisers

Advertisers

NAWAWALANG NURSING STUDENT, SINUNOG!

0 17

Advertisers

PINATAY at sinunog ang nawawalang graduating nursing student, na natagpuan ang bangkay sa isang subdibisyon sa Barangay Ungka, Pavia, Iloilo.
Sa report ng Iloilo Police, natagpuan sa tabi ng sunog na katawan ang isang identification card (ID) ng nawawalang biktima na si Frank Rois Barbasa, isang taga-Capiz.
Halos hindi na makilala ang sinunog na katawan, na nagmistulang uling, habang kinumpirma ng pamilya ng biktima na ang national ID nito at mga gamit ang natagpuan sa tabi ng sunog na bangkay.
Base sa imbestigasyon, umalis ang biktima sa tahanan ng tiyahin nito sa La Paz, Iloilo noong Abril 28, pero nabigo nang makabalik sa kanilang tahanan.
Kinabukasan, isang residente sa lugar ang nakakita sa nasusunog na kung anong bagay na mabaho sa tabi ng bakuran ng subdibisyon habang naglalakad ito sa kaniyang garden kaya agad nitong ini-report ang insidente sa mga awtoridad.
Nagresponde ang mga pulis sa lugar at nadiskubreng katawan ng tao ang nasusunog.
Sa pahayag ni Police Captain Ritz Field Presquito, hepe ng Pavia Municipal Police Station (MPS), posibleng sa nasabi ring subdibisyon pinaslang ang biktima.
Nitong Abril 30 ay natagpuan ng pulisya ang bahay ng dating girlfriend ng biktima sa naturang subdibisyon pero tumanggi itong magbigay ng pahayag sa mga awtoridad.
Upang makumpirma ang pagkakakilanlan ng sunog na katawan. Sinabi ng opisyal na ikukumpara ang specimens nito sa DNA sample ng ina ng nawawalang nursing student.