Advertisers

Advertisers

SC pinakokomento sina COMELEC Chair. Garcia, at ex-DFA Sec. Manalo sa petisyon ukol sa online voting

0 9

Advertisers

PINASUSUMITE ng Kataas-taasang Hukuman ng komento sina Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia at dating Department of Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ukol sa ‘motion to intervene’ na layon suportahan petisyon ng PDP-LABAN.

Binigyan ang mga nabanggit na opisyal ng 10-araw mula sa pagkakatanggap ng notisya upang sagutin ang petisyon nais mapahinto ang internet voting sa mga Pilipino nasa ibang bansa.

Mababasa sa dokumentong isinapubliko online ni Atty. Israelito Torreon, isa sa mga petitioner, na nakapaloob sa mosyon ang mga isyu hinggil sa sinasabing kakulangan ng ‘transparency’ sa online voting.



Kabilang din dito maging ang problema sa resibo ng boto o tinatawag bilang Voter Verifiable Paper Audit Trail.

Binigyang diin ng mga petisyuner na walang batas pa sa bansa para maipatupad ang implementasyon ng online voting at automated vote counting.



Gayunpaman, kung maalala’y una ng sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na nakahanda silang sagutin o harapin ang anumang kaso hinggil rito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">