Advertisers

Advertisers

Mga biktima ng drug war tinutulan ang hiling ng kampo ni Digong na iapela ang confirmed charges

0 8

Advertisers

MARIING tinututulan ng drug war victims ang “Request for Leave to Appeal” o kahilingan para sa pahintulot na mag-apela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa confirmed charges laban sa kaniya.

Sa 12 pahinang dokumento na may petsang Mayo 4, ikinatuwiran ng common legal representatives of the victims (CLRV) na nabigo ang depensa na matukoy ang anumang isyu na tumutugon sa mga kinakailangan sa ilalim ng probisyon ng Rome Statute.

Ayon sa mga kinatawan ng mga biktima, ang naturang kahilingan ng depensa ay inuulit lamang ang mga argumentong napagdesisyunan na at tinanggihan na ng Pre-Trial Chamber I.



Idinagdag nila na ito ay nagpapakita lamang ng hindi pagkakasundo ng depensa sa rason at pagsusuri ng Chamber sa mga ebidensya, sa halip na magtaas ng bagong legal na katanungan.

Ang panig ng mga biktima ay naninindigan na dapat ituloy ang kaso laban kay Duterte kaugnay ng mga krimen laban sa sangkatauhan (crimes against humanity) na naganap sa Pilipinas.



Ang naturang dokumento ay nilagdaan ng mga abogadong sina Atty. Gilbert Andres, Atty. Joel Butuyan at Principal Counsel ng Office of Public Counsel for Victims (OPCV) Paolina Massidda.

Matatandaan, noong Abril 29 nang humiling ng pahintulott ang legal team ng dating pangulo mula sa ICC na maghain ng apela kaugnay sa desisyon ng Pre-Trial Chamber I na nagkukumpirma sa mga kaso laban kay Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">