Maliban Sa Healthy Living! Mommy Pinty At Daddy Bonoy Gonzaga, Lalong Maganda Ang Kalusugan Dahil Sa Chef Ayb’s Paragis; “Yes…Yes…Yo Topacio Ni Atty. Ferdie At Juvy De Guzman No.1 Show Sa DWIZ At Aliw Channel 23
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Ayon pa kay Youtube Superstar actress and comedianne Alex Gonzaga-Morada, na matagal ng endorser at the same time ay business partner ng popular na Chef Ayb’s Paragis. Ph. Kaya raw lalong naging mga healthy ang kanyang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga ay dahil sa pag-inom ng mga ito ng regular ng Chef Ayb’s Paragis tea at capsule. At yung kanilang blood sugar at blood pressure ay both normal gayundin ang kanilang cholesterol level. Masarap din daw ang tulog ni Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Knowing na ang mga senior, ay hirap talagang makatulog na gising ng magdamag. But Mommy Pinty at Daddy Bonoy na sa mga edad na 70 at 71 ay mga physically fit.
Well, healthy living rin kasi ang famous couple pero malaking tulong talaga ang pag-inom nila daily ng nasabing tea and capsule na hindi lang sa Pinas ninyo mabibili kundi sa iba’t-ibang bansa rin. At masaya si Mommy Pinty bilang endorser ng nasabing No.1 herbal products. Also her partner in life Daddy Bonoy, Alex and husband Lipa City Vice Mayor Mikee Morada. Toni Talks host Toni Gonzaga also supports Chef Ayb’s Paragis. Si Mommy Pinty at Alex Gonzaga rin ang celebrity endorsers ng Eyeberry at Eyeberry Gold. Two years ng endorsers ng produkto ang mag-mommy.
***
Year 2018, ang pilot episode o unang umere ang popular na commentary radio program ni Atty. Ferdinand Topacio na “YES…YES…YO TOPACIO”, sa DWIZ na 882 sa inyong AM radio dial.
Now, ay itinuturing ng number one teleradyo show sa DWIZ at Aliw Channel 23 ang “YES…YES…YO TOPACIO” ng Bff naming famous and controversial lawyer. Yes, kasama ng kanyang tandem sa show na si Ms. Juvy de Guzman ay tinalo na ni Atty. Topacio ang mga naghari-harian noon sa DWIZ na Karambola. Kahit yung iba pang programa ng istasyon ay mga pinakain ng alikabok ni Atty. Ferdie sa rating games.
Paano, mo naman hindi panonoorin si Atty. Topacio, ay maliban sa sikat ito ay magaling siyang commentator at walang siyang takot na magbalita at magbigay ng opinyon sa pulitiko man o artista. Hindi rin nito pinapalampas ang baluktot na pamamalakad ng gobyerno at ang talamak na korapsyon sa ating bansa. Gayundin ang mga congressman na mga nagmamarunong at maganda sa Impeachment kay VP Sara Duterte. Walang paki si Atty. Topacio, kung pikon sa kaniya ang mga Kongresistang ito. Basta sila ni Juvy de Guzman ay magpapatuloy sa kanilang mga expose sa mga tiwaling opisyal ng ating gobyerno. Maririnig at mapapanood ang 8 years ng YES…YES…YO TOPACIO Lunes hanggang Biyernes ng 11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa DWIZ at Aliw Channel 23. Atty. Ferdie Topacio, is very funny, witty, and articulate host.