Advertisers

Advertisers

Kira binalaan kay Gerald

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Viral ang ilang kaganapan sa ginanap na pabida athletic challenge sa isang sports arena kung saan nagwagi ang koponan ni Gerald Anderson.

Pero bago pa man nagsimula ang basketball game ay rumampa muna ang aktor sa court kasama ang dating PBB housemate na si Kira Balinger.

Sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay ay naging topic naman ng mga katkatera at sawsawera ang kanilang pambihirang pagsasama.

Si Kira kasi ang tumatayong muse ng team ni Gerald.

Binigyan naman ng kulay ng mga nagmamaldita ang kanilang pagsasama sa laban na iyon.

May mga nagsabi pang ang tisay ang bagong prospect ni Ge.

May nakapansin din sa kanilang chemistry.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“In fairness, bagay sila.”
“Kira, next target ni Ge.”
“Josh, be on the lookout.”
“Bantayan mo si Kira kay Ge, Josh.Hehe.”
“Hahaha.May bago na namang prospect si Ge.”
“Hindi sila bagay.Magmukha silang magkuya.”
“Galawang magtito.”
“May chemistry naman sila.”
“Kira, isip isip muna.”
“Kira, watch out.”