Advertisers
Personal na nagsadya sa himpilan ng pulisya ang babae na biktima ng pananakit ng vlogger na pulis sa Malolos City .
Sa report ni the Strongman PCol Rommel Geneblazo, kay OIC PNP Provincial Director PCol.Jay B. Baybayan, kinilala ang biktima na si alyas Joyce, nasa hustong gulang ,habang ang suspek naman nakilalang si alyas Almeri na may ranggong Corporal na nakatalaga sa Malolos City Police Station kapwa residente ng Brgy, San Vicente sa nabangit na lungsod.
Base sa report,s nangyari ang insidente ng pananakit sa biktima noon pang Marso 12, 2026, na nag-ugat umano sa selos at mainitang pagtatalo sa pag-aalis ng location sa kanyang cellphone.
Nitong Linggo, isasailalim sa medico legal ang biktima na sinamahan ng Womens and Children Protection Desk (WCPD).
Samantala, nasa kostudiya na ng Malolos Pulis si alyas Almeritv, kung saan dinis aramahan na rin habang sasampahan ng regular filing na kasong pagalabag sa Republic Act 9262. (Thony D. Arcenal)