Advertisers
NAISILBI na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang subpoena laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng extra judicial killings (EJKs) hinggil sa kampanya kontra iligal na droga noong ito ang City Director ng Davao City at Chief of Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Brigadier General Randulf Tuano, PNP Spokesperson, naisilbi na ang subpoena sa bahay ni Dela Rosa nguni’t hindi inabutan ng mga operatiba ang Senador kaya tinanggap nalang ito ng caretaker. Naipadala na rin ang nasabing subpoena sa ilang bahay ng pinaniniwlaan pag-aari ng mga Dela Rosa sa Davao City at maging sa kanyang tanggapan sa Senado sa Pasay City.
Sinabi ni Tuano na nakasaad sa nasabing subpoena na inaatasan si Dela Rosa na humarap sa tanggapang ng CIDG sa Mayo 14, 2026 upang magbigay ng pahayag o statement sa isasagawang imbestigasyon sa mga akusasyon ng patayan noong panahon ng direktor pa ito ng Davao City Police.
Isinaad ni Tuano na sakling mabigong humarap o magbigay ng kanyang mga pahayag o statement si Dela Rosa, sasampahan ito ng kasong Indirect contempt of court sa ilalim ng Rules 71, Revised Rules of Court in relation to Section 1 ng TA No 10973.
“Dahil hindi siya physically present sa kanyang residence, ang nangyari substituted service ang tawag natin diyan or ‘yung subpoena ni-receive ng kanyang caretaker,” ani ni Tuano.
Pinabulaanan ni Tuano na walang koneksyon ang nasabing isyu nang lumabas ang International Criminal Court (ICC)) warrant of arrest, kundi kaugnay ito ng mga lumutang na complainant hinggil sa mga usapin nung kanyang panunungkulan bilang City Director ng Davao. “Usapin ito ng mga tinatawag natin na death under investigation under the anti-illegal drugs operation sa panahon nanungkulan siya bilang city director ng Davao.”
(Mark Obleada/
Boy Celario)