Advertisers

Advertisers

Nakaka-inlove ang latest single ni Jojo Mendrez na Yakap

0 2

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAPAKINGGAN na namjn ang latest single ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez na Yakap, na piinasikat noong 80s ni Junior.

In fairness, nagustuhan namin ang rendition ni Jojo ng nasabing awitin. Malayo sa original.

Ganun naman si Jojo, na kapag nagre-revive ng song, sinisigurado niya na iba ang kanyang version. Na nagmumukhang original.

Ang sarap pakinggan ng Yakap ni Jojo. Kinanta niya ito with the heart. Feel na feel niya ang magandang lyrics ng song.

Tungkol ito sa dalawang dating nagmamahalan na naghiwalay. Binalikan nu’ng guy ‘yung girl. At sa pagbabalikan nila, sabi nu’ng guy, hindi na raw siya muli pang lilisan.

At sa bahagi pa rin ng lyrics, sabi rito, “dahil ikung ikaw ang yakap ko, parang yakap ko ang langit”. Ang sarap pakinggan. Dahil syempre, iba talaga ang feelings kapag kayakap mo ang taong minamahal mo ‘di ba?

Available na ang Yakap on all music flatforms.

Sigurado kami, na gaya ng ibang ni-revive ni Jojo na songs ay maghi-hit din itong Yakap.

Nakaka-inlove ang Yakap sa toroo lang.