Advertisers

Advertisers

Kim Chiu taxpayer kaya ayaw manahimik sa nangyayari sa gobyerno

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi nanahimik si Kim Chiu matapos makatanggap ng batikos kaugnay sa kanyang naging pahayag tungkol sa naganap na tensyon at umano’y shootout sa Senado kamakailan.

Sa kanyang X account, iginiit ng Kapamilya actress na may karapatan siyang magpahayag ng saloobin bilang isang Pilipino at taxpayer. Ito ay matapos siyang sabihan ng ilang netizens na manahimik na lamang tungkol sa isyu.

Nauna nang nagpahayag ng opinyon si Kim kung saan sinabi niyang maiiwasan sana ang kaguluhan kung kusang sumuko ang taong nagsasabing wala itong kasalanan. Bagamat wala siyang pinangalanan, iniugnay ito ng ilang netizens kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nahaharap umano sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Ayon kay Kim, nalulungkot siya dahil tila agad siyang pinatatahimik kapag hindi sang-ayon ang iba sa kanyang pananaw.

“Nakakalungkot. That’s what happens when concern and opinion don’t align with them—gusto agad patahimikin. Nasanay na ako,” saad niya.

Dagdag pa ng aktres, “Oo, Bisaya ko, pero Pilipino rin akong may karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin. Masakit magbayad ng buwis tapos ganito ang nakikita natin.”
Inigo Pascual pumalag na napapalitan ng AI ang boses ng singer
Iginiit ng Kapamilya singer at songwriter na si Inigo Pascual ang kahalagahan ng paglalagay ng hangganan sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa industriya ng musika kung saan minsan ay pinapalitan na nito ang orihinal na bersyon ng mga awitin ng mga artista.

“Nakakakita ako ng mga AI versions ng mga kanta, kahit sa mga establishments pinatutugtog na rin nila,” ani Inigo.

Aniya sa media conference ng kanyang bagong single na “Ikaw at Ikaw,” maituturing na katanggap-tanggap ang AI kung gagamitin bilang tulong sa paggawa ng musika, ngunit mali kung ito ay gagamitin upang palitan ang orihinal na gawa ng tao.

“Puwedeng tool ang AI, pero dapat may hangganan kapag pinapalitan na nito ang trabaho ng ibang artista,” dagdag niya.