Advertisers
UMABOT sa 1,191 personnel ng Philippine National Police (PNP) na nahaharap sa iba’t ibang kasong administratibo ang napatawan ng kaukulang mga parusa simula Enero 1 hanggang Mayo 6, 2026 bilang bahagi ng isinasagawang “internal cleansing” sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay PNP Chief, General Jose Nartatez, sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) mula 1,191 napatawan ng karapatan parusa ng tuluyang pagkasibak sa serbisyo, suspension, demotion, forfeiture of salary, restriction, reprimand at withholding of privileges depende sa bigat ng kinakaharap na kaso at batay sa itinatakda ng batas, rules and regulation.
Sa nasabing bilang 353 ang tuluyang sinibak sa serbisyo, 551 pinatawan ng suspension, 176 pinatawan ng forfeiture of salary, 63 na-demote, 23 reprimanded, 20 pinatawan ng “withholding of privileges”, at 5 ang isinailalim sa restriction.
Binigyaan diin ni Nartatez ang pagpapanatili ng organization sa “zero tolerance policy” laban sa corruption, misconduct at iba pang iligal na aktibidades na kinasasangkutan ng isang tiiwa-ling personnel o kawani.
Aniya, mahalagang mapanatili ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng isang disiplinado at propesyonal na hanay ng pulisya.
Sinabi ni Nartatez na ang “disciplinary actions” ay ipinapatupad sa anuman ranggo o posisyon ay bahagi ng pagpapatuloy ng PNP na mapanatili ang disiplina sa hanay ng organization at tiwala ng publiko.
Isinaad ni Nartatez na base parin sa datos ng DIDM, uma-bot na sa 1,107 ang tuluyang sinibak sa serbiyo mula August 26, 2025 hanggang May 6, 2025.
Sa nasabing bilang, 1,020 ang Police Non-Commissioned Officers (PNCOs), 52 ang Police Commissioned Officers (PCOs), at 36 Non-Uniformed Personnel (NUPs).(Mark Obleada)