Advertisers
INAPRUBAHAN na ng Pasig City Regional Trial Court ang cyber warrant laban kay Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta at apat na iba pa, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, sa bisa ng naturang warrant ay magkakaroon ang ahensya ng access sa mga gadget na nakumpiska mula sa mga akusado.
“Legally, we can obtain information, videos, pictures, text messages, text logs, lahat po. So ‘yung mga nakausap niya, kung sino man mga kinausap niyang personality, we will have access to that, malalaman po namin,” ani Matibag.
Matatandaang inaresto ng ahensya si Mabanta at apat na iba pa kaugnay ng umano’y tangkang pangingikil ng P300 milyon kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Noong Mayo 9, nakalaya ang grupo mula sa NBI Detention Facility matapos maghain ng piyansa.