Advertisers

Advertisers

ANTHONY NAKAMOVE ON NA SA KONTROBERSIYA NILA NI MARIS

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Mukhang maayos na ang takbo ng buhay ni Anthony Jennings matapos ang naging kontrobersiya noong 2024. Sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi niyang naka-move on na siya sa mga nangyari at mas pinipili na lang niyang mag-focus sa trabaho at career opportunities.

Ayon kay Anthony:

“Okay naman na ako. Naka-move on na rin naman ako sa nangyari na ’yon… tuloy-tuloy lang.”

Ibinahagi rin niya na malaking tulong ang pagtutok niya sa trabaho, lalo na sa upcoming international series niyang “Nurse The Dead,” kung saan kasama niya sina Ruby Rodriguez at Princess Punzalan.

Matatandaang naging usap-usapan noon ang cheating allegations na kinasangkutan nila ni Maris Racal matapos maglabas ng screenshots ang dating girlfriend niyang si Jam Villanueva. Nauwi ito noon sa public apologies mula sa magkabilang panig.

Sa ngayon, tila mas pinipili ni Anthony na iwan na sa nakaraan ang kontrobersiya at ituon ang atensyon sa kanyang career growth, lalo na sa international projects niya.