Advertisers

Advertisers

Anne Curtis binuking ng mister na ‘Boss’ sa bahay

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Tahasan at may halong katatawanan na inamin ni Erwan Heussaff na si Anne Curtis ang “boss” sa kanilang bahay, sa panayam sa programang Matteo G. Primetime ni Matteo Guidicelli.

Ayon kay Erwan, “She’s the boss of the household. I just go along with it.”

Kwento pa niya, malaking tulong ang panahong magkasama sila sa bahay noong pandemya upang mas lalo nilang makilala ang isa’t isa bilang pamilya.

Pagdating sa parenting, sinabi ni Erwan na magkaiba man sila ng approach ni Anne Curtis, pareho silang malaya sa pagdedesisyon para sa kanilang anak na si Dahlia.

Inilarawan din niya si Anne bilang isang “protective” na ina. “May ‘crazy mom’ mode siya kapag kay Dahlia. Super ingat talaga,” aniya.

Samantala, nilinaw ni Erwan na wala siyang problema sa on-screen partners ng kanyang asawa. “Totally fine,” aniya, at idinagdag na sanay na siya sa trabaho ni Anne kahit bago pa sila ikasal.

Aminado lamang siya na minsan ay naiilang siya, hindi dahil sa eksena mismo kundi dahil sa reaksyon ng mga tao sa paligid. “The only time I get awkward is if I’m in the movie house and it always happens, people know I’m there.”

Binanggit din niya ang isang pagkakataon sa block screening ng pelikulang The Loved One, kung saan nakatambal ni Anne si Jericho Rosales, ngunit nananatili siyang kalmado at kumpiyansa sa propesyon ng kanyang asawa.

Ayon kay Erwan, susi ng kanilang matatag na pagsasama ang respeto at pagtanggap sa isa’t isa.