Advertisers

Advertisers

2 opisyal ng DPWH sibak sa kapabayaan sa road safety

0 4

Advertisers

SINIBAK sa pwesto ang dalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways sa Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR).
Ayon sa DPWH, tinanggal sa pwesto sina District Engineer Isagani Cayme at Engineer III Marjory Banao ng DPWH-CAR dahil sa kakulangan ng road safety signages at traffic control device.
Kabilang dito ang kulang na concrete barrier sa nakatiwangwang na gumuhong bahagi ng kalsada sa Beckel, La Trinidad, Benguet na ikinasawi ng isang siklista matapos mahulog sa bangin.
Ayon kay Dizon, hindi na dapat maulit ang ganitong insidente na dulot ng kapabayaan ng mga opisyal ng ahensiya.
Kasunod nito, nagbabala ang kalihim sa lahat ng DPWH contractors na awtomatikong kakanselahin ang kanilang kontrata, ila-lagay sa blacklist at sasampahan ng kaso kung makitang walang mahigpit na safety requirements sa kanilang mga ginagawang proyekto.