Advertisers

Advertisers

Kaso vs PBBM, VP Sara sa illegal campaign donations ibinasura ng Comelec

0 9

Advertisers

IBINASURA ng law department ng Commission on Elections (Comelec) ang kaso laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte ang reklamong election offense na may kaugnayan sa campaign donations noong May 2022 midterm elections.

Sinabi ni Garcia na ito ay dahil sa ‘principle of immunity from suit’ o immunity ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa habang sila ay nasa pwesto.

“Kapag kinasuhan mo sila ngayon, maba-violate natin yung immunity from suit,” paliwanag ni Garcia.



Sa kabila niyan, iginiit ng poll chief na hindi nangangahulugan na tuluyan nang ligtas ang pangulo at pangalawang pangulo sa mga posibleng imbestigasyon dahil pagkatapos ng kanilang termino ay maari parin silang kasuhan.

Sa ngayon, wala aniyang anumang kaso o criminal case laban sa bise presidente at presidente.



Maalala na ilang grupo sa pangunguna ng poll watchdog na ‘Kontra Daya’ para sa isang preliminary investigation laban kina Marcos at Duterte dahil umano sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Ito ay matapos ang umano’y pagtanggap nila ng donasyon mula sa mga kontratista ng gobyerno. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">