Advertisers

Advertisers

MARIS NAMIGAY NG BIGAS AT MANG INASAL SA MGA JEEPNEY DRAYBER

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Maris Racal dahil naka 12 years na raw siya sa showbiz.

Sa loob ng 12 taon na yun ay marami ring struggles na dumating sa buhay ng singer/actress.

Ang mas matinding pinagdaanan niya ay ang eskandalong nangyari sa kanila ng ka-loveteam na si Anthony Jennings.

Ilang buwan ding hindi nagparamdam noon si Maris dahil pawang pambabash ang kanyang nababasa pag open pa lang niya ng kanyang socmed.

Pinagpiyestahan din noon ang kanyang lovelife ng magbreak sila ng boyfriend na si Rico Blanco.

Pero, ang lahat ng mga yan ay nalampasan ni Maris dahil she’s a strong woman.

After ng mga pinagdaanan ay nakabalik sa limelight ang actress/singer kung saan nabigyan pa siya ng magandang project, ang Sunshine na humakot ng award sa international giving body.

Aniya sa kanyang Facebook account, “12 years na ako sa industriya pabigas na at pa mang inasal para sa mga jeepney drivers! Salamat sa inyo!”

Yan ang way ni Maris para magpasalamat sa netizens.

Tila hindi yata satisfied ang netizen sa bigay ni Maris na ayuda para sa mga drivers.

Ani ng isang commenter: “Grabe 15yrs milyon milyon ang kinikita tas 1kg bigas at isang buong manok ang pinamigay amazing ah”

Sey naman ng isa, “Ang importante po is nag share po sya. Di lang Naman po jeepney drivers ang tinutungan Niya at di din Naman Niya obligasyon po yon. What matters is she give. And we should be thankful for that po. Andami namang mas matagal pa Kay maris sa industry na yan pero kakaunti lang ay may ganyang pusong mapagbigay. ”

“Wow ang lambot ng puso ng idol ko”

“People can’t be thankful, why do you have to bash someone doing great. It’s ‘rice’ to be kind, after all! Ikaw ba what did you do to help others?”

“Gusto ko ung nagbibigay ng bigas hahahaha joke lng”

“Buti nga nag share kahit kunti lang!

Ano kelangan ba lahat ng kinikita nya ipamigay nya?? Wahahha”

“Abangan mo si Rico Blanco dadaan dyan charots hahaha”

Hindi pa talaga nakontento ang ibang nabibigyan, sila na ang inaabutan mareklamo pa.

“Ginawang 5kilo man lang sana 2 kilo lang naman pala”

“It’s the thought that counts

Mabuti nga meron kesa sa wala at dapat maging thankful na lang kung ano meron”.

“Sad that some people don’t understand the meaning of a simple thank you! It’s not mandatory and she doesn’t have any obligation to do so, but, she is simply sharing her blessings. ‘