Advertisers
Ni Beth Gelena
Nag-viral online ang nakakakilig na TikTok interaction nina Mikha Lim at Liza Soberano matapos diretsahang tawagin ni Mikha na “crush” ang aktres sa comment section ng isang TikTok video.
Sa nasabing post, makikitang pabirong nagli-lip sync si Liza sa kantang “Kill You” ni Eminem habang sinasabing, “Nagpapatawa lang ako, mga binibini. Alam niyo namang mahal ko kayo.” Dito nag-iwan ng simpleng ngunit viral na komento si Mikha:
“Hi crush.”
Hindi naman nagpahuli si Liza at sinagot ito ng:
“At ano nga ba ang plano mong gawin tungkol diyan?”
Dahil dito, agad na nag-trending ang kanilang playful exchange sa social media. Maraming fans ng BINI at supporters ni Liza ang kinilig at nagbaha ng nakakatawang reaksyon at edits online. Umabot pa umano sa milyon-milyong views at daan-libong likes ang TikTok video.
Para sa maraming netizens, natuwa sila sa pagiging game at lighthearted ng dalawa, lalo na’t parehong kilala sina Mikha at Liza sa kanilang strong online presence at loyal fanbases.