Advertisers
GINAWARAN ng P100,000 na pabuya ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang isang mangingisda matapos niyang isuko sa mga awtoridad ang mahigit P34.5 milyong halaga ng ilegal na gamot na kanyang na-tagpuan sa baybayin ng Barangay Busdak, Patnanu-ngan, Quezon.
Kinilala ni Quezon Governor Angelina Tan ang kata-patan at katapangan ng mangingisda kasabay ng isinagawang medical mission sa isla nitong Biyernes.
Ayon sa pulisya, boluntaryong isinuko ng mangi-ngisda noong Mayo 16 ang limang pakete ng ilegal na gamot na tumitimbang ng higit anim na kilo, na kalaunan ay nakumpirmang cocaine base sa pagsusuri ng laboratoryo.
Lumabas sa imbestigasyon na Pebrero pa natagpuan ng mangingisda ang mga pakete sa dalampasigan ngunit inakala muna niya itong basura at itinabi sa isang tambakan bago kalaunang i-report sa mga awtoridad.
Dahil dito, itinuring ng pamahalaang panlalawigan na halimbawa ng integridad ang kanyang naging hakbang sa kabila ng malaking halagang maaaring matukso ang sinuman.
Ayon naman kay Quezon Police director Colonel Romulo Albacea, posibleng mula sa ibang bansa ang nasabing substance at inanod lamang pa-punta sa karagatan ng Patnanungan dahil sa malalakas na alon.
Dagdag pa ng mga awtoridad, nananatiling bantay-sarado ang mahigit isanlibong kilometrong baybayin ng Quezon na matagal nang itinutu-ring na daanan ng ilegal na droga.