Advertisers

Advertisers

Walang rekord ng pag-alis ni Bato sa Pilipinas – BI

0 9

Advertisers

WALANG rekord ng pag-alis ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Pilipinas sa pamamagitan ng international entry at exit ports, ayon sa Bureau of Immigration (BI) noong Linggo, Mayo 24.

“That’s right. Doon sa ating international ports of entry and exit, wala tayong recently recorded na biyahe niya (Sen. Dela Rosa),” sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval sa panayam ng DZBB.

Ipinaliwanag ni Sandoval na patuloy ang pag-monitor ng BI sa international ports of entry and exit ng bansa.



“Ang ating saklaw ay ang international ports of entries and exits. Ito ‘yung mga paliparan natin, international airports. Pati ‘yung seaports. Zamboanga International Seaport,” ani Sandoval.

“Hindi saklaw ng BI ‘yung bay areas. Ito ay binabantayan ng LGUs, PCG at pulisya,” dagdag pa niya.



Noong Biyernes ay sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang senador ay nananatili sa bansa kasabay ng isisilbing warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Si Dela Rosa ay nananatili sa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">