Advertisers

Advertisers

Sen. Padilla pinagpapaliwanag ng NBI sa pag-alis ni Sen. Bato sa Senado

0 15

Advertisers

HINIMOK ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senador Robin Padilla na tumulong sa paglilinaw kung paano nakaalis si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado matapos itong ilagay sa “protective custody”.

Ayon kay NBI Director, Atty. Melvin Matibag, inamin mismo ni Padilla na isinakay niya si Dela Rosa at ibinaba ito sa Makati, ngunit hindi na umano niya alam kung saan ito nag-tungo pagkatapos.

Sinabi ni Matibag na bilang “responsableng senador at mamamayan”, dapat kusang-loob na tumulong si Padilla sa imbestigasyon kaugnay ng tangkang pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).



Iginiit din ng NBI na dapat ipaliwanag ng Senado ang kahulugan ng “protective custody” lalo’t may naging “gentleman’s agreement” na pananagutan ng Senado si Dela Rosa habang nasa kanilang kustodiya.

Ayon kay Matibag, ang protective custody ay nangangahulugang dapat maihaharap ang isang tao sa mga awtoridad kapag kinakailangan ng batas at hindi ito dapat gawing paraan para makatakas sa legal na proseso.



Nagbabala rin siya na magiging masamang ehemplo kung magmumukhang “taguan” ng mga wanted person ang Senado.

Dagdag pa niya, mahalagang mapanatili ang “law and order” sa bansa lalo na sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang impormasyon at iba’t ibang pahayag sa social media.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">