Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa isang interview, umamin si Rico Blanco na marami naANALIGAN ITINUTULAK ANG PAGGAMIT NG RENEWABLE ENERGY PARA SA MALINIS MATATAG AT MAKATARUNGAhinahanap niya ay maaayos na ang kanyang buhay.
Hirit pa niya, hindi raw naman ganoon kadali pala ang ma-in love dahil minsan ay maraming kumplikasyon.
Sey pa niya, kahit nakailang girlfriends na raw siya, hindi raw naman siya iyong tipong nagbibilang ng babae.
Hindi naman niya ikinaila na umiyak na raw siya dahil sa pag-ibig.
All the time ang naging sagot niya na ang ibig sabihin ay iniyakan niya ang lahat ng kanyang naging dyowa kasama na ang ex na si Maris Racal.
Hindi naman niya ikinahihiya na aminin na siya iyong tipo ng lalakeng umiiyak kapag naha-heartbroken.
Pinakamabilis din daw siyang gumawa ng kanta kapag in love at heartbroken.
Sa tanong naman kung inuurot siya ng kanyang parents o mga kamag-anak na mag-asawa na considering na 52 years na siya, aniya, wala raw namang pressure na natatanggap siya sa mga ito.
Nakita raw naman kasi ng mga ito ang kanyang effort na maghanap ng The One.
Saksi rin daw kasi ang mga ito, nang pumasok siya sa pakikipagrelasyon at noong panahong nasawi siya sa pag-ibig.
Tungkol naman sa pag-aasawa, nakikita pa rin daw niya ang posibilidad sa tamang tao.
Sa tsikahan niya sa talk show ni Boy Abunda, inamin din niyang guilty siya na nang-ghost na siya ng babae.
Handa na rin daw siyang ma-in love lalo pa’t single siya sa kasalukuyan.
Hindi rin daw mahalaga kung ang susunod niyang dyowa ay bata o mas matanda sa kanya.
Pagdating naman sa tipo niyang babae, bet daw niya iyong may Asian features.
Si Rico ay bida sa pelikulang Project Baby kung saan katambal niya si Sue Ramirez.
Ito ay mula sa direksyon ni Eric Quizon.