Advertisers
Ni Dominic Rea
Marami ang nakapansin na hindi na raw ganoon ka-kinang ang showbiz career ni Daniel Padilla. Marami ang nagsabing tila tumamlay ang kanyang career simulang ipinasara ang Kapamilya Network at humabol pa ang hiwalayan nilang dalawa ni Kathryn Bernardo na kanyang on and off screen love noon! May nakapagsabing ginawa lamang daw nitong panakip-butas si Kaila Estrada when it comes to his lovelife para lang masabing naka-moved-on na ito at kung anu-ano pa! Sa pagkakaalam ko, oo, medyo tumamlay nga ang kanyang showbiz career pero ang kasikatan niya bilang isang Daniel Padilla ay nandiyan parin. Actually, naging malaking comeback niya sa mukha ng televisyon ang Incognito na ngayon ay nagsisimula na rin ang book 2 nito! Hindi rin naman nawawalan ng commitments out of town si Daniel like series of concert shows sa mga probinsiya na yun nga lang ay choosy siya kung anong klaseng event ito. Nandiyan parin naman ang ilang endorsements! Sikat parin naman di Daniel! Medyo nabawasan lang! Pero hindi eh! Dinudumog parin talaga siya eh kahit saan magpunta! Meaning, sikat pa rin! Tumamlay lang ang mga proyekto, maybe?
RAYVER CRUS HATAW ANG SHOWBIZ CAREER
A year after yata or two years, diko matandaan exactly pagkatapos umalis ni Rayver Cruz sa bakuran ng Star Magic at lumipat sa GMA Kapuso Network ay ipinasara naman ang ABS! Nagkataon man o hindi ay naging right move ito upang mahasa pa lalo ang husay ni Rayver sa pagkanta, pagiging aktor at host na kanyang ine-enjoy ngayon sa GMA! Mas lumawak kasi ang ikot ng oportunidad sa showbiz career ni Rayver ngayon for how many years niya sa Kapuso Network. Blessed talaga si Rayver dahil mahal niya ang kanyang ginagawa at ine-enjoy niya ito! Mula sa mga naglalakigang shows niya ngayon sa GMA like Stars On The Floor bilang hurado at sa The Clash bilang host kasama ang kanyang super lovelife na si Julie Anne San Jose ay rateada rin sa mga out of towb shows si Rayver! Sikat na walang ere si Rayver! Napaka-totoong tao pa! Kaya malapit sa kanya ang biyaya at kaya mahal na mahal siya ng GMA!