Advertisers

Advertisers

SENADO, NAGMISTULANG KARNIBAL

0 4

Advertisers

Nagmistulang KARNIBAL anila ang SENADO ng Pilipinas na kung saan lumabas na mga peryante at magikero ang ating mga Senador.

Ang kaganapang ito ay nag-ugat matapos na biglang lumutang si Senador Bato de la Rosa mula sa kung saan
.
Kung sa bagay, ikakagulat naman ng lahat ang biglang pagsulpot nito matapos ang anim na buwan niyang hindi pagpapakita sa SENADO.

Ito ay natapat pa sa paglabas ng kanyang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity kung saan siya inu-ugnay Kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dramatic entrance si Bato sa kanyang pag-pasok sa SENADO matapos siyang hadlangan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsilbi ng kanyang warrant.

Pinilit ni Bato na sapilitang pumasok kung kaya’t nagkaroon pa ng habulan na umabot hanggang session hall.

Dito ay tila sinalo Siya ng kanyang mga ka-alyadong Senador sa katauhan nina Senador Robinhood Padilla, Senador Bong Go, Senador Rodante Marcoleta, Senador imee Marcos at mismong senate president Senador Alan Peter Cayetano at Kapatid nitong si Senador Pia Cayetano.

Mukha anilang scripted at planado ang biglang pag-sulpot ni Senador Bato, anticipated daw ito ng kanyang mga kaalyadong Senador.

Dito na nagmukhang KARNIBAL ang session hall na kung saan na-aliw ang ating mga kaba-bayan sa iba’t ibang palabas na pinamalas ng mga Senador.

Merong nagpatawa, Meron ding iyakan na pang FAMAS award, Meron ding matinding argumento na muntik ng humantong sa suntukan.

Ang matinding parte dito ay nang nagkaroon umano ng shootout sa pagitan NG MGA ahente ng NBI at mga tauhan ni Senate Sgt. at Arms General Pamplaza.

Dito na kumita ng husto ang KARNIBAL partikular na sa mga tio vivo o’ ferris wheel na kung saan pinaikot at hinilo ang publiko.

Kinalaunan ay naglabasan na ang mga magikerong pang main event na talagang ibang klaseng mahika ang pinamalas.

Mantakin niyong magikin nito si Senador Bato na bigla na lamang naglahong parang bula sa kasagsagan ng iba’t ibang palabas at palaro.

Biruin niyong napakalaking tao ni Senador Bato ngunit bigla na lang nag-laho sanhi ng mahikang ginanap NG MGA taong alam na nating lahat kung sino, di po ba?

Dito na nag-sara at nag-tapos ang mga palabas sa KARNIBAL na kung saan Tayo hinilo at pina-ikot na parang trumpo NG MGA Senador.

DUE TO INSISTENT PUBLIC DEMAND, muling magbubukas ang KARNIBAL sa SENADO sa susunod na MGA araw, just waiting for further notice and announcement or it might be a surprise he… he… he …