Advertisers

Advertisers

PAG-ARANGKADA NG “PAIHI” SA CALABARZON ISINISI SA KOTONG!

0 3,266

Advertisers

Ni CRIS IBON

SA harap ng tumitinding krisis sa supply ng petrolyo sa bansa, muling namayagpag ang operasyon ng sindikato ng smuggling, pilferage o paihi/buriki sa Luzon, na isinisisi ng sibikong grupong MKKB sa proteksyon ng mga “kapusta-han” o police tong collectors na kasabwat ng ilang handler na mga high-ranking police at port officials.

Pansamantalang nahinto ang operasyon ng smuggling at paihi/buriki nang ilunsad ng mga awtoridad ang serye ng mga raid kamakailan, na nagresulta sa pagkakadakip ng maraming suspek at pagkakakumpiska ng milyon-milyong halaga ng nakaw o pinaihing krudo, gasolina at Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga kuta ng sindikato sa CALABARZON, Metro Manila, Region 3 at Bicol Region.

Sa pagsisiwalat ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), muling nabuhay ang operasyon ng mga naturang sindikato may tatlong linggo na ang nakararaan matapos magkaroon ng “go signal” ang ilang matataas na PNP at Port officials sa kanilang mga “kapustahan”.

Ibinunyag din ng MKKB na ang dalawang “kapustahan o intelhencia kolektor na sina alyas Sgt. Adlawan at Magsino ang nag-ikot sa mga operator ng buriki/paihi at mga smuggler, na kinumpirmang may clearance sila upang ipagpatuloy ang nahintong iligal na operasyon.

Nagsimula naman agad ng operasyon sina alyas Medic Ferrer, Egay at alyas Kernel na may alyas din na LtCol. JJ Cruz sa kanilang burikian/paihian sa tapat ng Integrated School, Brgy. Banaba West, Batangas City. Kasunod na nagbukas ang isa pang kuta ng mga ito malapit sa Guinhawa Elementary School sa bayan ni Tuy Mayor Jose Jecerell Cerrado.

Umarangkada narin ang pagpupuslit ng kontrabandong krudo at gasolina mula sa Malaysia at China ng isang alyas Balita na nagpapanakaw ng produktong petrolyo sa mga tanker truck driver na nanggagaling sa petroleum depot sa Tabangao, Batangas City.

Tuloy narin ang pasingawan ng LPG ng isang Bunny na kilala din sa alyas Sgt. Mercado sa bayan ni Ibaan Mayor Jane Casas.

Nananawagan ang MKKB kina Batangas City Mayor Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño at sa kabiyak nitong si 5th District Rep. Beverley Rose Dimacuha na ipaaresto at pakasuhan kina Batangas City Police chief LtCol. Ira Morello at Batangas Coast Guard commander Capt. Airland Lapitan sina alyas Medic Ferrer, Egay, alyas LtCol. JJ Cruz at alyas Balita.

May mga paihian din sa Makiling, Paciano Rizal, Calamba City, Cabuyao City at Laguna ang isang alyas Ador at ang kapatid nito.

Arangkada narin ang paihi/buriki nina Amang, Violago at Aldo sa Zigzag Road, Brgy. Bancal, Carmona City.

Ibinunyag ng MKKB na may P300K weekly protection money na kinokolekta bawat paihi/buriki operator ng dismissed na Davao Police na si alyas Sgt. Adlawan at ng ex-convict na si Magsino upang ituloy ang naunsayaming ilegal na pilferage operation.

Hindi magkakalakas ng loob sina alyas Sgt. Adlawan, na overall tong collector sa CALABARZON at Magsino na siyang nangongolekta ng payola mula sa mga ilegalista sa lalawigan ng Batangas at Laguna kung wala ang mga itong kasabwat na ilang opisyales ng pulisya, ayon din sa MKKB.

Hiniling din ng naturang grupo na kastiguhin ni PNP Region 4A Director, BGen. Hansel Marantan, ang kanyang mga police chief at iba pang opi-syales na nagpapabaya, na-ngungunsinte o “pumapatong” sa mga ilegalista sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Ayon pa sa kanila, bukod sa mga kapitalista ng smuggling, pilferage ay milyones din na protection money ang nagpapalipat-lipat sa kamay mula sa mga mga operator ng STL bookies, sakla, pergalan (peryahan na pulos sugalan), shabuhan, illegal quarry, mining/logging, illegal terminal at colorum van, alyas Sgt. Adlawan at Magsino at sa ilang police chief at mga opisyales ng pamahalaan sa CALABARZON.