Advertisers

Advertisers

GERALD ANDERSON NAGKA-TRAUMA SA LOVELIFE?

0 12

Advertisers

By Dominic Rea

Naku! Ito ngayon ang pinag-uusapang dahilan kung bakit sa ngayon ay ayaw daw munang pagtuunan ng pansin ni Gerald Anderson ang kanyang lovelife. Ayon pa sa nasagap kong tsika, halatang nagka-trauma o naging traumatic daw ang naging journey ni Gerald sa kanyang mga nakaraang buhay pag-ibig. Hindi man ito inaamin ni Gerald kitang-kita yatang napagod ang kanyang puso at gustong magpahinga muna. Ayon mismo sa isang panayam kay Gerald, gusto niya raw munang tutukan ang kanyang sarili dahil ayon pa sa kanya, he wants to be a better person and the best version of himself. Kaya naman paglalaro nalang daw muna ng basketball ang kanyang pagtutuunan ng pansin at deadma na raw muna sa lovelife! Ganoon? Hindi naman kaya nagka-trauma siya?

JED MADELA MASAYA NA SA BUHAY KAHIT WALANG LOVELIFE



A year ago or almost a year nung magkaroon ng isyu sina Jed Madela at management nito. Kung anu-anong paratang at akusasyon ang inabot ni Jed. Hinarap ito ni Jed sabay alis sa poder ng kanyang management. Nag-solo move siya kung saan ang kanyang personal assistant na si Flor Paclib narin ang tumayong manager nito. Simula noon, pansin na ang paglawak ng kanyang balwarte kung saan ratsada na siya sa mga commitments out of town at sandamakmak na raket dito sa loob at labas ng bansa. Hindi rin nawawalan ng exposure sa bakuran ng ABS-CBN, special events at kung saan-saan pa! Sa patuloy na pagkinang ng kanyang showbiz career bilang isang sikat at kilalang singer, marami parin ang nagtatanong. Bakit daw walang lovelife si Jed? Naitanong ko narin yan kay Jed kung saan natawa na lang siya sabay sabing okey na siya sa kung anumang buhay meron siya ngayon! Hindi raw dapat hanapin ang lovelife. Kusa daw itong dumarating! Koraaaak!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">