Advertisers
By ARCHIE LIAO
Sa guesting niya sa show ni Matteo Guidicelli sa Bilyonaryo Channel, nagbalik-tanaw ang Argentinean businessman na si Nico Bolzico kung gaano sila nagkakakilala ni Solenn Heussaff.
Nagkita raw sila noon sa isang shoot ng music video ni Rico Blanco many years ago.
Lumapit daw ito sa kanya noon para magpakilala pero hindi raw naman niya masyadong sineryoso.
Then, nasundan pa raw ang kanilang pagkikita ng ilang beses hanggang na-develop ang kanilang romansa.
Ibig niyang tumbukin si Solenn ang gumawa ng first move sa kanya dahil torpe siya o mahiyain sa panliligaw noong una.
Sa nasabing panayam, ipinakita rin ni Matteo ang ilang photos ni Solenn.
Isa rito ay ang makalaglag-brief na photo nito in a skimpy swimwear na napalakas ng wow factor.
Pinusuan naman ni Nico ang naturang photo at sinabing ito raw ang rason kaya pursigido siya sa paggy-gym dahil hirap habulin ng kaseksihan ng misis.
Sa tunay na buhay, inamin din niyang overprotective siya sa dalawang anak nila ni Solenn.
Tulad ng ibang mag-asawa, nagkakaroon din daw sila ng mga pagtatalo.
Praning daw kasi si Solenn pagdating sa kalinisan sa bahay to the point na over na ang pagiging clean freak nito.
Sa aspeto naman ng pag-arte ni Solenn, hindi raw niya pinakikialaman ang karera ng kabiyak dahil artista na ito noong makilala niya.
Hindi rin daw niya pinagbabawalan si Solenn na gumawa ng love o kissing scenes sa leading men nito sa mga proyekto ng aktres dahil bahagi ito ng kanyang trabaho.
Dagdag pa niya, malaki raw ang tiwala niya sa esmi pagdating sa mga desisyon nito sa kanyang career.
Proud din siya sa pagpa-prioritize ni Solenn sa kapakanan ng kanilang mga supling.
Si Solenn ay huling napanood sa Encantandia Chronicles: Sang’gre kung saan ni-reprise niya ang role ni Bathalumang Cassipoeia.