Advertisers
By Beth Gelena
Ayon sa isang insider ng network, kaya raw hindi pa kinumpirma ni Kathryn Bernardo ang relasyon nila ni Lucena Mayor Mark Alcala ay dahil sa paparating niyang teleserye kapareha si James Reid.
Ayon sa source, may pangamba raw na baka maapektuhan ang pagtanggap ng publiko sa proyekto kung opisyal niyang aaminin ang bagong relasyon, kaya umano mas pinili niyang manahimik tungkol sa usaping personal.
Matagal nang hinihintay ng mga tagahanga ang pag-amin ni Kathryn tungkol sa kanyang bagong buhay pag-ibig.
Noong nakaraang taon, nagsimulang makakuha ng atensyon ang mga tsismis na nag-uugnay sa aktres at sa alkalde.
Kahit ilang beses na silang nakita sa mga mall, restaurant, airport, at kamakailan lang, sa weekend market ay nanatiling tahimik ang aktres. Wala ring pahayag mula sa kanyang management.
May nagsasabing nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa aktres na baka maapektuhan ang paparating na proyekto kung isasapubliko niya ang kanyang bagong buhay pag-ibig.
Kahit hindi pa nakumpirma ang tunay na relasyon nila ng alkalde, halata naman daw sa mga larawan na nagpapakita ng kanilang masasayang sandali kapag magkasama.
Hindi naman tinatanggi ni Kathryn ang mga nababasang komento ng netizens tungkol sa kanila ng alkalde.
Kompirmasyon na lang daw talaga ang kailangan nilang marinig mula sa aktres.