Advertisers

Advertisers

ER ng Ospital ng Maynila, bukas na

0 4

Advertisers

Muli nang binuksan ang emergency room ng Ospital ng Maynila Medical Center matapos ang isang linggong pagsasaayos o renovation nito ng pamahalaang lungsod ng Maynila .

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza at ilang mga mataas na opisyal ng ospital at Manila LGU ang opening at blessing ng naturang ospital.

Sa kanyang talumpati, nakisuyo ang alkalde sa mga ospital staff at personnel na ngumiti sa mga pasyente dahil malaking bagay ito para gumaan ang kanilang pakiramdam.

Matatandaang pansamantalang isinara ang ER ng ospital noong May 24 para isailalim sa renobasyon lalo na ang kisame nito na napabayaan ng dating administrasyon.

Tiniyak ni Domagoso sa publiko na maari nang dalhin ang isang pasyente sa naturang ospital dahil mayroon itong magpagaling na doktor at nurses.

Bukod dito, libre aniya ang pagpapagamot dito dahil ang lungsod ang sumasagot sa mga gastosin ng mga pasyenteng taga Maynila.

Katunayan aniya , dito na rin sa Ospital ng Maynila dinala ang kanyang anak dahil kumpiynsa ang alkalde na may kakayahan ang ospital gamit ang mga makabagong kagamitan at magagaling na mga health workers. (Jocelyn Domenden)