Advertisers
NAKATANGGAP ng impormasyon ng posibleng ki-naroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang Philippine National Police (PNP), at ginagawa na ang lahat ng makakaya para matunton at maaresto ito.
Sa kabila nito ay tumanggi si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief General Robert Alexander Morico II na sabihin kung saan ang posibleng kinaroroonan ng senador, na umalis sa bisinidad ng Senado noong Mayo 14.
“It’s an operational undertaking which I cannot reveal. But of course, we have leads. Kasama po doon sa manhunt ‘yung pag-identify rin ng mga tao na tumulong sa kanya,” ani Morico.
“All information that is coming in is being validated. There will be no stone left unturned,” dagdag pa niya. “I guess kasi alam mo naman ‘yung technology po ngayon. Ang pakikipag-usap naman po sa tao, hindi naman ibig sabihin tumutulong ka na. That’s why we are investigating.”
Nauna nang kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) na nag-isyu ang tribunal ng arrest warrant para kay Dela Rosa kaugnay sa mga pagpatay sa war on drugs.