Advertisers

Advertisers

Advance Screening Ng “Home Along Da Riles: Da Reunion” Handog Ni Mayor Isko Sa Mga ManileÑo

0 3

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

NU’NG June 1, Monday, ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along da Riles..Da Reunion, na ginawa sa Metropolitan Theater.

Ang pelikula ay handog ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga Manilenos.

Nu’ng nagkausap sina Vandolph, na anak ng namayapang komedyante na si Dolphy, at si Yorme Isko, sinabi nito na sa Metropolitan Theater ganapin ang advance screening.

Isa rin kasing Manileno si Dolphy, na bidang lalaki noon sa sitcom na Home Along Da Riles. Born and raised kasi siya sa Tondo.

For the record, ang Home Along Da Riles ay ang sikat na sikat na sitcom noong 90’s. Naging dahilan ito para gawin itong pelikula, at naging blockbuster nu’ng ipalabas.

Isinalin ulit ito ngayon sa pelikula bilang tribute kay Dolphy.

Kasama pa rin dito ang mga gumanap niyang mga anak na sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Gio Alvaerez,Vandolph, Boy 2 Quizon, na siyang nagdirek ng pelikula. At siyempre, nandito pa rin si Nova Villa, na gumanap na Azon noon sa HADR.

Nasa cast din sina Mavelyn dela Cruz at Dang Cruz.

Bago ang screening ay nag-speech muna si Vandolph.

Nagpasalamat siya kay Yorme dahil sa suporta nito sa kanilang pelikula.

“Maraming salamat sa pagpapahalaga ng legasiya ng aking ama. Si tatay Kevin Cosme (ang role ni Dolphy sa HADR)

Inalala rin ni Vandolph na 6 years old pa lang siya nang mapasama siya sa nasabing sitcom. Ito ang kanyang first acting experience.

Dahil isa nga ring komedyante si Vandolph gaya ng ama, kaya hinaluan niya ng joke ang kanyang speech.

Sabi niya na natatawa,”Ang tatay ko nga lumaki sa Tondo. Kaya medyo tigas ‘yun. Tiga-saing, tiga-laba. Tiga-mahal ng babae,”

Showing na sa June 17 ang Home Along Da Riles..Da Reunion.