Advertisers

Advertisers

Bilib nananatiling solid

0 2

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa kabila ng mga hamon at hirap na kanilang hinarap, nananatiling solid ang P-pop group na BILIB.

Sa loob ng tatlong taon, patuloy pa rin kasi ang kanilang pamamayagpag.

Ayon kay Zio, ang pagiging bukas nila at totoo sa isa’t-isa ang susi sa kanilang matatag na samahan.

“Magandang communication talaga, usap,” aniya.

Sang-ayon naman si Rafael sa tinuran ni Zio.

“Aside from that, acceptance sa isa’t isa,” pakli ni Rafael.

Sey naman ni Carlo, malaking bagay na wala silang nililihim sa bawat isa.

“Being open din talaga,”bulalas ni Carlo.

Gayunpaman, hindi raw nawawala ang pagrespeto nila sa personal space ng bawa’t miyembro.

“Pero kahit open kami sa isa’t-isa, nandoon rin iyong respeto namin sa personal boundaries namin,”hirit ni Jmac.

Ang pagmamahal naman sa musika ang nakikita ni RC na nagbubuklod sa kanila.

“Siguro, what binds us together ay iyong pare-pareho naming love iyong music at ginagawa namin” paliwanag ni RC.

Para naman kay Clyde, importante na may personal at prospesyonal na koneksyon sila sa isa’t-isa.

Pinakikinggan daw nila ang opinyon ng bawa’t isa lalo na kung paano pa ii-improve ang kanilang craft.

Dagdag pa niya, bukod sa bandmates, magkakapatid na raw ang turingan nila.

“Bukod sa performers, we are like brothers. Sa band kasi, di ba dapat lahat kayo nag-e-enjoy doon sa ginagawa niyo. At saka, dapat parang nag-a-align yung decision ng bawat isa. Kasi ang napapansin ko, kapag hindi kayo nagkakasundo doon sa goal o gustong gawin, may tendency na hindi maganda yung magiging outcome ng product na gagawin niyo, which is yung songs na,”esplika niya.

Ayon pa sa grupo, ang pagkakaroon ng nag-iisang bisyon o pangkalahatang layunin ang isa rin sa mga dahilan kaya patuloy na tumatatag ang kanilang grupo.

Ayon naman sa AQ Prime founder at CEO na si Atty.Aldwin Alegre, nakakabilib ang potensyal ng BILIB na nakikita niyang kayang makipagsabayan sa ibang kilalang P-pop groups.

“Sobrang bilib ako sa talent at potential nila.Hindi lang namin sila gustong hasain sa singing at dancing but also sa hosting at acting,”pagtatapos niya.

Ang BILIB ay nominado sa kategoryang Dance Recording of the Year para sa kanilang single na “Say Whatcha Wanna Say”sa ika-17 edisyon ng PMPC Star Awards for Music.

Ilan sa pinasikat nilang mga obra ang “Kabanata”, “Gimme The Music” at ang album na “Mahika.”

Nagwagi rin sila bilang

Golden Breakthrough Male Group sa Global Trends Business Leaders Awards at Outstanding P-Pop Group of the Year sa The Golden Pillar Awards.

Huli silang mag-perform sa Watsons Playlist 2026 kasama ang SB19, December Avenue at Maki.