Advertisers

Advertisers

Eala nakamit ang titulo sa Birmingham Open

0 5

Advertisers

NAKAMIT ng top seed Filipino na si Alexandra Eala ang Birmingham Open matapos talunin ang fifth seed na Czech Nikola Bartunkova 5-7, 6-3, 7-5, Linggo ng gabi sa Edgbaston Priory Club sa United Kingdom.

Nakuha ng World No. 37 ang kanyang pangalawang titulo sa WTA 125 matapos ang 2025 Guadalajara Open sa Mexico at una sa damuhan.

“It was a really tight moment and I knew that if I didn’t go for it, Nikki would go for it,” Wika ni Eala sa break points na kanyang nakaharap sa final game bago maangkin ang titulo. “It’s one of those days where a little bit of luck and intention was what got me through.”

Nakipagtulungan si Eala kay Bartunkova sa doubles kung saan natalo sila sa No. 2 British na pares na sina Dart Harriet at Maia Lumsden, 4-6, 6-2, 11-9, sa unang round.

Tinalo ni Eala ang Swiss qualifier na si Rebeka Masarova, 6-2, 4-6, 6-3, upang makapasok sa championship round.

Sa quarterfinal, tinalo niya ang Thai na si Mananchaya Sawangkaew, 6-3, 6-2.

Tinalo rin ni Eala si Sawangkaew, 6-1, 6-2, sa final ng Southeast Asian Games sa Thailand noong Disyembre ng nakaraang taon, na nagtatapos sa 26-taong kawalan ng gintong medalya ng Pilipinas sa women’s singles.