Advertisers

Advertisers

Curlee Discaya ibubunyag higit 150 ‘nasa kapangyarihan’ sangkot sa flood control scam

0 4

Advertisers

ISINILBI nitong Lunes, Hunyo 8, 2026, ng mga awtoridad sa kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya II ang arrest warrant para sa kasong ‘malversation through falsification of public documents’ kaugnay sa umano’y kickback scheme sa flood control projects.
Si Discaya, na siyam na buwan detention ng Senado, ay inilipat na sa kustodiya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Isinagawa ng mga awtoridad ang booking procedure sa Senado kabilang ang pagkuha ng mugshot at fingerprints.
Dinala si Discaya sa Ma-lolos, Bulacan para sa pagbabalik ng warrant.
Inisyu ng Malolos Bulacan Regional Trial Court (RTC) ang warrant of arrest noong Biyernes laban kay Discaya, asawa nitong si Cezarah “Sarah”, at siyam iba pa kaugnay sa malversation through falsification of public documents na may kaugnayan sa kanilang ambag sa kickback scheme mula sa flood control projects.
Naghain ng graft at malversation cases ang Office of the Ombudsman laban kay Discaya at 10 iba pa dahil sa maanomalyang flood control project sa Calumpit, Bulacan.
Ayon sa defense attorney ni Discaya, malungkot si Curlee na makukulong ito sa kabila ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon.
Hindi hihiling ng hospital arrest si Curlee sa kabila ng patuloy nitong pagpapagaling nang sumailalim sa opera-syon sa balikat, ayon sa kanyang abogado nitong Lunes.
Sa tanong kung hihiling ng hospital arrest si Discaya, sa-got ni Atty. Cornelio Samaniego III: “Hindi.”
“Wala pong special treatment, bawal po ‘yun. Do’n po siya sa regular na mga kasama niyang mga PDLs din,” ani Samaniego.
“Mag-one month palang ‘yung operation niya… bahala na yung provincial jail officer do’n kung anong itutulong nila kay Curlee. Meron naman talaga siyang impairment sa right shoulder,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi rin ng abogado na nalulungkot si Discaya sa kanyang pagkakaaresto.
“Nalulungkot nga siya dahil nagsalita siya ng katotohanan tungkol dito sa flood control, siya pa ‘yung makukulong ngayon,” sabi pa ni Samaniego
Sa kanyang inilabas na statement sa media, sinabi ni Curlee na ibubunyag niya ang higit 150 “nasa kapangyarihan” na sangkot sa anomalya. Wala aniya siyang ginawang mali, ginawa niya ang proyekto ng 100% at meron itong insurance kungsaan maaring singilin ng gobiyerno kapag palpak ang proyekto. Ilalantad aniya ito sa korte.
(Thony Arcenal)