Advertisers
MARIING nanindigan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na dapat na magsumite ng individual affidavits ang labing walong dating bodyguards ni dating congressman Zaldy Co.
Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng ipinangangalandakan ni Atty. Levi Baligod na nakahanda ang mga dating Marines na mag-tell all o sabihin ang lahat ng kanilang nalalaman kung sino-sino ang mga nahatiran ng male-maletang pera.
Nauna nang tiniyak ng Office of the Ombudsman na wala silang palalampasin na detalye o ebidensiya sa isyu ng mga maleta boys.
Susundan umano ng Ombudsman kung saan sila dadalhin ng mga ebidensiya.
Una nang sinabi ni Baligod na unang sasalang sa interview ng panel of investigators ng Ombudsman si Johnny Buduan sa June 11.
Sa June 15 naman ay isasalang sina Anselmo Taberdo at Belnard Tube at sa June 16 sina Christopher Esquivel at Gil Navidad Jr.