Advertisers

Advertisers

Ryzza Mae naranasang maliitin

0 9

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Inamin ni Ryzza Mae Dizon na muntik na siyang matsugi noon bilang co-host sa kanilang noontime show.

Bet daw kasi noon ng former management nila na palitan siya.

“Ako ‘yung top 1 po na sure na gusto nilang tanggalin nung dati po naming company [kasi] mayroon pong bata na gusto rin ipasok,”pagbabalik-tanaw niya.

“Masakit po sa akin] kasi yung time na ‘yon po kasi ‘yun na po ‘yung once a week na lang ako pinapapasok. Tapos sa isang segment lang po pwede lumabas kasi ‘yon ‘yung instruction po sa kanila,” dugtong niya.

Hirit pa niya, sobra raw siyang naapektuhan sa move na iyon ng former management ng show.

“Kasi nandoon na po ‘yung papalit sa akin, tinitrain na po. Masakit talaga po kasi pinaghirapan ko ‘to tapos bigla-bigla na lang po aalisin na ganun-ganon lang,”bulalas niya.

Sa nasabing tsikahan sa vlog ni Toni Gonzaga,nag-throw back din siya sa pinagdaanang pagmimenos sa kanya at ang hindi malilimutang plot twist sa kanyang buhay.

“Meron pong kapitbahay kami na malaki ang bahay tapos may balikbayan siyang apo na dumating, nakipaglaro po ako. Tapos medyo nasagi po yung vase. Nasabihan po ako ng ‘Mas mahal pa yan sa buhay mo. Parang tumatak po yun sa akin na balang araw magsisipag talaga ako para di ako masabihan nang ganoon.Hindi ko po kinalimutan iyon.May plot twist iyon. Noong nanalo po ako , nabili ko po iyong bahay nila,” kuwento niya.