Advertisers

Advertisers

SEGURIDAD NG BANSA NASASAKRIPISYO SA CHINESE SPY!

0 3,034

Advertisers

Ni CRIS IBON

HINDI malayong magising na lamang tayo na mga sundalo na ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang nagmamartsa sa Camp Crame, kung patuloy na magpapabaya ang ating pulisya at iba pang awtoridad na makapagpatuloy ng kanilang ilegal na pinagkakakitaan ang Chinese military spy na nag-o-operate ng illegal fuel refilling plant ng Liquified Petroleum Gas (LPG) o “pasingaw” sa Ibaan, Batangas.

Ito ang mahigpit na pinangangambahan ng sibikong grupo na Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), dahilan ng malalim na proteksyon ng mga police tong collector o mga “kapustahan” na kasabwat ng Chinese operator at ng dummy ng mga ito na isang alyas “Bunny” aka “Sgt. Mercado” na malaya at lantarang nakakapag-operate ng labag sa batas na “pasingawan” o LPG refilling plant malapit sa Ibaan Exit, sa bayan ni Mayor Jane Casas.

Tinukoy ang grupo ng mga “kapustahan” na pinamumunuan nina alyas “Sgt. Adlawan” at “Magsino” na nagsisilbi ring “liason” sa pagitan ng Chinese spy at ng ilang opisyales PNP, NBI, LGUs at ultimong barangay officials.

Si Sgt. Adlawan ang naghahatid ng milyones na lingguhang protection money o intelhencia mula sa “pasingaw” at mga operator ng STL bookies, sakla, pergalan (peryahan/sugalan), illegal quarry, terminal at colorum van at iba pang mga “pangkabuhayan” sa mga tanggapan ng Batangas PNP Provincial Office, PNP Region 4A Office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A, Batangas CIDG Provincial Office hanggang sa Camp Crame Police Headquarter sa Quezon City.

Si Magsino, na kilala sa larangan ng underworld at police tong collection, naman ang siyang nagdadala ng “tara” sa isang mataas na NBI official sa Lipa City, ayon sa MKKB.

Tikom naman ang bibig ng mga opisyales ni PNP Region 4A Director, Brig. General Hansel Marantan; Batangas PNP Provincial Director, Col. Oliver Ebora; CIDG RFU 4A Chief, Col. Ganaban Ali; Mayor Casas; at Police Chief, Major John Leo Cuasay, hinggil sa napapaulat na weekly payola mula sa “pasingaw” sa Ibaan ng babaeng Chinese spy at ng dummy nitong si Bunny aka Sgt. Mercado.

Ayon sa MKKB, ang naturang Chinese spy, na pansamantalang ‘di pinangalanan, ay kasama ng isang grupo ng Intsik na orihinal na nakapuslit patungo sa Palawan noong 2020 sa panahon ng Duterte Administration sa balatkayong mga katutubong Pilipino.

Doon ay nakapagrehistro ang mga ito ng pekeng pangalan bilang mga Pinoy sa Local Civil Registry Office at nakapag-aral ng lokal na lenggwahe.

Ilan sa mga naturang Chinese spy ay nakapasok sa sirkulo ng pulitika sa Palawan, habang ang lady Chinese spy ay nakapangunyapit sa construction business, local politics at nanalo sa Batangas noong 2022 election, gamit ang bilyong pondo mula sa Chinese PLA.

Nauna nang nakapag-operate ng “pasingawan” ang Chinese spy at alyas Bunny/Sgt. Mercado, halos isang taon na ang nakaraan sa tulong din nina alyas Adlawan at Magsino. Pansamantalang huminto ang operasyon ng mga ito alinsunod sa mahigpit na direktiba ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay BGen. Marantan na lansagin ang petroleum smuggling, pilferage at illegal LPG refilling operation.

Sinamantala naman ng tusong babaeng Chinese spy-turned-Batangas politician at alyas Bunny/Sgt. Mercado ang namayaning pandaigdigang krisis sa industriya ng petrolyo, sa tulong din nina alyas Sgt. Adlawan at Magsino ay nahikayat ang ilang PNP, NBI at ilang provincial at lokal na opisyales na muling mapatakbo ang naudlot na operasyon ng malaking “pasingawan” ng LPG sa Ibaan, Batangas kapalit ng milyones na intelhencia.

Ayon sa MKKB, ‘di malayong gamitin ng Chinese spy at alyas Bunny/Sgt. Mercado ang bilyones na kinikita ng mga ito sa “pasingaw” sa iba’t ibang aktibidad ng China laban sa seguridad at kapayapaan ng ating bansa.

Malaki ang posibilidad na bukas makalawa ay magising na lamang ang ga Pinoy na nakubkob na ng mga Intsik ang mga pangunahing police at military camp sa bansa tulad ng Batangas PNP Provincial Office sa Batangas City, Fernando Air Base sa Lipa City, Camp Crame, Camp Aguinaldo, Villamor Air Base at iba pang mga kampo ng militar at PNP.