Advertisers
DALAWANG lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvage ang natagpuan sa kanal sa munisipalidad ng Solana, Cagayan.
Kinilala ang mga biktimang sina Joseph Vincent Frogoso ng Barangay Atulayan Sur; at Merwin Adrian Balisi ng Ugac Norte, kapwa sa Tuguegarao City.
Sa report, 2:00 ng hapon ng Biyernes nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa ilalim ng tulay sa Brgy. Iraga, Solana.
Ayon kay P/Capt. JhunJhun Balisi, hepe ng Solana Police, nakatanggap sila ng report hinggil sa nakitang bangkay ng dalawa.
Sa pagsisiyasat, nakitaan ng maraming tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang katawan ng mga biktima.
Hinala na pulisya, posibleng sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at duon lamang itinapon ang bangkay. (PTF team)