Advertisers

Advertisers

Reconstruction sa Mindanao tututukan ng Senado

0 1

Advertisers

BABANTAYANG mabuti ng Senado ang reconstruction sa bahagi ng Mindanao na niyanig ng malakas na lindol.

Siniguro ni Acting Senate President at Senate President pro-tempore Win Gatchalian na gagamitin ang available funds para sa pagpapagawa ng mga nasirang imprastraktura sa ilang lalawigan ng Mindanao na winasak ng lindol.

Kabilang na rito ang pagpapagawa o pagsasaayos ng mga tulay, kalsada, eskwelahan, palengke at iba pang pampublikong imprastraktura.



Tiniyak din ni Gatchalian na makapaglalaan ng pondo para sa pagpapatuloy ng reconstruction sa ilalim ng 2027 national budget.

Isa rin sa sisilipin ng Senado ang pagrepaso sa National Building Code para mas matiyak ang integridad at tibay ng mga public infrastructures.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">