Advertisers

Advertisers

Bahay ni Bianca Zobel nilimas ng magnanakaw

0 72

Advertisers

ARESTADO ang 22-anyos na lalaki nang pasukin at pagnakawan ang bahay ng live-in partners na sina Bianca Zobel at Daniel Tuason sa loob ng eksklusibong Dasmariñas Village sa Makati City.
Sa ulat, nadakip ng Philippine National Police ang magnanakaw na kinilala bilang Audy Ibona Jr. y Bolo, alyas “Audy”.
Nahaharap sa reklamong robbery si Ibona nang tanga-yin ang dalawang Patek Philippe watches at iba pang mamahaling gamit na nagkakahalaga ng P8.24 milyon.
Batay sa imbestigasyon ng Makati Police, naganap ang insidente sa pagitan ng 3:24 at 4:07 ng madaling-araw ng Hunyo 4 sa bahay ng mag-live in sa Tamarind Road sa loob ng exclusive Makati subdivision.
Nadiskubre ang pagnana-kaw nang magising si Tuason at mapansing nakabukas ang ilaw sa banyo.
Nang tutukan niya ito ng flashlight, nakita niya ang isang lalaking nakaitim na bonnet, sweatshirt at panta-lon na tumatakbo sa hallway patungo sa banyo.
Agad bumangon si Tuason, kinuha ang kanyang lisensi-yadong baril at hinabol ang magnanakaw.
Ayon sa police report, ilang beses pa niyang inutusang lumabas ang lalaki ngunit hindi ito tumugon.
Inalerto ni Tuason si Zobel, na kaagad namang hu-mingi ng tulong sa security ng village at sa pulisya.
Gayunman, nakatakas pa rin ang magnanakaw kahit hinabol ni Tuason at ng mga guwardiya.
Matapos lamang ng insidente natuklasan nina Tuason at Zobel na nawawala na ang ilang mamahaling gamit nila kabilang ang dalawang Patek Philippe na nagkakahalaga ng tig-P3 milyon, Van Cleef earrings na P200,000; gold nugget at coin chain na P1 mil-yon; pearl necklace na P1 mil-yon; at isang Oura ring na nagkakahalaga ng P40,000.
Sa pagsusuri sa CCTV footage, nakita ang magna-nakaw na pumasok sa property sa pamamagitan ng bubong ng katabing bahay bago dumaan sa perimeter wall patungo sa swimming pool area.
Sapilitan binuksan ng magnanakaw ang isang bintanang konektado sa master bedroom closet at kalaunan ay doon din tumakas matapos siyang mabisto.
Sa isang ocular inspection, nagpapakita na tumakas ang magnanakaw patungo sa creek na naghihiwalay sa Barangay Dasmariñas sa Makati at Bo-nifacio Heights sa Taguig.
Limang araw matapos ang insidente, positibong nakilala ng dalawang testigo si Ibona sa mga CCTV footage na naka-lap ng mga imbestigador.
Bigo naman sa follow-up operations na mabawi ang mga nawawalang alahas at relo.
Kilala ang Dasmariñas Village bilang isa sa pinakamahigpit ang seguridad na mga exclusive subdivision sa bansa at tahanan ng ilan sa pinakamayayamang pamilya at negosyante sa Pilipinas.
Si Bianca Zobel ay anak ng bilyonaryong negosyanteng si Iñigo Zobel at nagsilbi ring Presidential Social Secretary noong 2022, habang si Daniel Tuason ay vice president ng Asian Armored Defense Group Inc. at pamangkin ng dating First Gentleman na si Jose Miguel Arroyo.