Advertisers

Advertisers

BALDWIN ‘NO SHOW’ SA DOLE, NAGBITIW SA ATENEO!

0 10

Advertisers

‘NO SHOW’ sa Department of Labor and Employment (DOLE) si Ateneo Coach Tab Baldwin matapos itong ipatawag ni Secretary Francis Tolentino kaugnay sa insidente ng pagkalunod sa dalawang Ateneo athlete noong Hunyo 8.
Ayon sa kalihim, sa isinagawang inisyal na pagdinig Lunes ng umaga, Hunyo 15, hindi nakadalo si Baldwin dahil nakikiusap ito na makapagpahinga muna. Ang kanyang personal na legal counsel ang humarap sa tanggapan ng DOLE.
Sa panayam kay Tolentino, binigyan ng sampung araw o hanggang June 25 ang kampo ni Baldwin para magbigay at magsumite ng kanilang verified answer.
“After June 25, magkakaroon tayo ng formal hearing sa June 29 sang-Ayon sa batas na sinusunod natin ngayon”, pahayag ni Tolentino.
Dagdag pa ng kalihim, pinapayagan sila ng dalawang hearing ngunit kapag isang hearing lang ay may 30 araw para ito maresolba.
Sa unang imbitasyon, hi-niling ng DOLE na ipakita ang Allien Employment Permit (AEP), nguni’t sa pagharap ng abogado ni Baldwin ay hindi nito naipakita kundi ang kanyang ACR lamang (Allien Certificate of Registration) na iniisyu ng Bureau of Immigration.
Paliwanag ni Tolentino, ang AEP ay iniisyu ng DOLE kungsaan nagsasaad na maaaring makapagtrabaho sa bansa ang isang dayuhan.
“Pero sa formal verified answer nila, kumpletong dokumento na ang ilalahad nila,” ani Tolentino.
Nilinaw din ni Tolentino na ang humarap o tumayong legal counsel ni Baldwin ay hindi abogado ng Ateneo kundi sarili niyang abogada mula sa Villanueva Law Offices.
Aniya, aalamin pa ng DOLE kung kailanganin pang ipatawag ang Ateneo de Manila University o ang pamunuan nito.
Samantala, nagbitiw na nitong Lnes bilang head coach ng Ateneo Eagles si Baldwin.
(Jocelyn Domenden)