Advertisers
By Beth Gelena
Napakomento ang netizens sa ipinost ni Anne Curtis habang siya ay nasa Shanghai, China.
Sa Instagram Story, ipinakita ni Anne ang kanyang luxury cashmere sweatshirt at nilagyan ng caption na: “Literally, my Kryptonite.”
Dahil cashmere at luxury brand item ito, marami ang nagbiro online na “kahit sino manghihina sa presyo niyan.”
Kilala si Anne sa kanyang pagmamahal sa high fashion at mga luxury brands, at ilang beses na rin siyang namataan sa mga international fashion events at nakasuot ng mga mamahaling cashmere pieces.
Gayunman, wala pang opisyal na impormasyon na nagkukumpirma kung anong eksaktong brand o magkano ang presyo ng sweatshirt na ipinost niya sa Shanghai. Kaya ang mga kumakalat na presyo online ay hindi pa beripikado.
Komento ng netizens; “hahaha caption is so real”
“Nice, been wanting this eversince i saw Jennie wore it. And the song is on point, was just rewatching Smallville on Netflix”
“Ikaw na ang definition ng ” Super” Superwoman, super Chanel, super sosyal sa big sunglasses, super ganda at super mahal ko”
“Pinakyaw mo na ang Chanel girl since then”
“Your alter ego is Chanel Clarke”
“Mapapa Chanel all ka na lang talaga”