Advertisers

Advertisers

Mga pa-retirong DPWH section chief huwag ng umasa sa promosyon – ‘di ba Sec. Dizon?

0 4

Advertisers

Lalong nawalan na ng Pagasa ang mga magreretirong Section Chief sa ibat ibang dako ng Pilipinas partikular sa Calabarzon DPWH District Engineering Office sa pagtatalaga ni Secretary Vince Dizon ng batang bata na Assistant District Engineer sa 2nd DEO ng Lalawigan ng Rizal.

Sa Ginawang pagsasaliksik ng Usapang HAUZ, halos mapuno ng aplikasyon para sa posisyong Assistant District Engineer (ADE) ang DPWH Region 4-A matapos na magretiro si Engr. Lito Favian at bakantihin nito ang nasabing posisyon sa Rizal 2nd DEO.

May nakalkal ang Usapang HAUZ na halos lahat ng aplikante sa posisyong Assistant District Engineer o ADE ng Rizal 2nd DEO ay may mga paretiro na at ang iba naman ay 50 anyos pataas at take note lahat ng ng mga ito ay Engineer 3 at pasado sa examination ng ADE at DE course.

Nagkaroon ng pagkakataong makausap ng Usapang HAUZ ang ilan sa mga aplikante sa posisyong ADE at nagpahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang pamamalakad ng departamento, “Halos buong buhay ko ay ipinagkaloob sa aking posisyon umabot ako ng halos 40 taon sa serbisyo walang naging anumang records na masama kaya nagbakasakali na makuha ang posisyong ADE bago pa ako magretiro”.

Mayroon din aplikante na umabot sa 30 years sa serbisyo at ang iba ay 35 years bukod pa sa nakausap natin ang halos 3 taon na lang ay retirado na.

Hindi lang marami kundi halos buong DPWH Region 4-A ang hindi nakapaniwala kung bakit ang hindi man lang nakahawak ng posisyong section chief na si Engr. Paul Justine Cunanan ang siyang nakasungkit ng isa sa sensitibong posisyon ang pagiging ADE sa edad na 33

Marami ang humanga mga Ka Usapang Hauz ng italaga ng Pangulong BBM itong si Sec. Dizon kapalit ng kontrobersiyal na DPWH Secretary Manuel Bonoan dahil sa usaping Ghost Flood Control Projects.

Hindi kaya drawing lang yung pagiging mahigpit nitong si Secretary Dizon sa mga tauhan nito na ang hindi tatalima sa kanyang kautusan ay siguradong may kalalagyan, ayun na mga Ka Usapang HAUZ si Engr. Cunanan ay tumalima sa kautusan ni Dizon kaya ADE na, sana hindi tutuo na may palakasan?

Secretary Dizon Sir, hindi ka kaya nagkamali sa pagpili sa pagtalaga kay Engr. Cunanan sa pagiging Assistant District Engineer, kahit paano siguro ay mabigyan mo ng konsiderasyon ang mga Section Chief na mga magreretiro na, tutal bata pa sa edad at siguro naman pati sa serbisyo ay bata pa rin si Engr. Cunanan ibigay muna sa iba.

Sa parte naman ng bagong DE ng Rizal 2nd DEO sa katauhan ni Engr. Juan “Johnny” Panganiban walang masabi ang mga Ka Usapang HAUZ sa pagtatalaga rito ni Sec. Dizon nasa kanya na lahat ang kuwalipikasyon, pero Sec. Dizon Sir paki sabihan naman kung bakit tila iwas si DE sa mga katanungan ng Media?

Muli nais ng mga Ka Usapang HAUZ na kalampagin ang tanggapan ni Sec. Dizon kung bakit at paano nabigyan kaagad ng sensitibong posisyon si ADE Cunanan samantalang marami ang magreretirong mga Section Chief na pawang kumpleto sa requirements sa pagiging Assistant District Engineer.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036