Advertisers

Advertisers

John never nang bet patali

0 4

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa interview sa show ni Matteo Guidicelli, nauisa si John Estrada hinggil sa kanyang parenting style.

Aniya, noong una raw ay naisip niyang maging istrikto sa kanyang mga anak lalo pa’t apat sa mga supling niya ay babae at iisa lang ang lalake.

Gayunpaman, napagtanto raw niya na mahalaga na maging open sa kanya ang kanyang mga anak.

Kung ilalarawan daw siya ay masasabing isang cool dad siya sa mga ito.

Kaya naman kapag may mga okasyon, bet na bet daw niyang makasama ang kanyang kids kasama na ang extended family nito like dyowas ng kanyang mga supling.

Inamin din niya na nakaka-bonding niya si Daniel Padilla sa ilang mga ganap ng pamilya.

Nang maurot naman siya tungkol sa relasyon nina Kaila at DJ, aniya, hindi raw niya pinakikialaman ang lovelife ng anak.

Naniniwala rin siyang ismarte si Kaila na kayang gumawa ng intelihenteng desisyon sa sarili.

Sey pa niya, nakikita raw naman niyang mabait at marespetong tao si Daniel.

Kung magse-settle down ang dalawa, ibibigay daw niya ang suporta bilang magulang.

Hirit pa niya, handa na rin daw siyang maging lolo dahil nasa tamang edad na ang kanyang mga anak.

Sa naturang tsikahan, ibinida rin niyang nagbalik-loob na siya sa Diyos.

Naranasan daw niya kung paanong tinapik siya ng Panginoon dahil sa past indiscretion niya.

Marami rin daw siyang natutunang leksyon na sa palagay niya’y pinagbabayaran pa niya.

Nang mausisa naman kung handa na siyang umibig muli, hindi raw niya isinasara ang sarili sa posibilidad.

Gayunpaman , never na raw siyang mag-aasawa o magpapatali muli.
***

Mga piling obra, mapapanood sa CCP Channel

Bilang paggunita sa Independence Month at alinsunod sa pagdiriwang ng Pride Month, may special treat ang CCP Channel ngayong buwan tampok ang mga kuwento sa queer community.

Ngayong Hunyo, mapapanood sa CCP Channel ang Ang Mga Propesyunal ng Sari Saysay at Edgar Allan Hemmingway ni Carlo Vergara mula sa Virgin Labfest (VLF) 14.

Kasama rin sa lineup ang Mula sa Kulimliman mula VLF 12, Cinemalaya Short Films tampok ang Ina-Tay ni Chloe Velasco (2014), Tutos (2008) ni Louise Ann Yamsuan at Sarong Adlaw (One Day) (2012), ni Marianito Dio Jr.

Tampok din sa CCP Channel ang mga obra sa 37th Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video, tulad ng If I Were A Voice ni Denbert M. Tiason sa Narrative category, ang experimental film na Parapo ni Jhonny Bobier at documentary na NOMO KWEEN: The Last Woman Standing ni L. A.Oraza, at ang animated work na Unravelled, nina Sofia Bianca Chua, Maria Isabella, Patricia Manaloto, at Avryll Nartates.

Ipalalabas din ang mga klasikong Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Pang-alay, Cinderella, Orosman at Zafira, at Don Quixote.