Advertisers

Advertisers

Panukalang higpitan ang access sa socmed sa edad 15 pababa, muling binuhay

0 8

Advertisers

ISINUSULONG muli ang panukalang higpitan ang access ng mga bata edad 15 pababa sa social media kasunod ng marahas na pamamaril sa loob mismo ng paaralan sa Tacloban City noong Lunes, Hunyo 22.

Sinabi ni Senador Joel Villanueva, na kasalukuyang namumuno sa Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, dapat na busisiin ang iba’t ibang salik na naka-impluwensiya sa asal at well-being ng mga kabtaan kabilang ang kanilang pagkakalantad sa mapanganib na mga content online.

Binibigyang diin aniya ng naturang insidente ang pangangailangan na pag-aralan ang mga hakbang para mapahusay pa ang pagprotekta sa mga bata o menor de edad, kabilang ang mga panukalang higpitan ang access sa social media ng mga nasa edad 15 pababa.



Sa kasalukuyan, ilang panukalang batas na naglalayong ma-regulate ang paggamit ng mga minor ng social media ang nananatiling nakabinbin sa Kongreso.

Isinusulong din ng senador ang mas pinaigting pang mental health programs gaya ng pagdagdag ng bilang ng guidance counselors para suportahan ang pangangailangan ng mga estudyante.



Nanawagan din ang mambabatas para pag-aralan ang safety at threat-assessment protocols sa mga eskwelahan sa buong bansa, gaya ng pagpapahusay pa sa pagtukoy ng warning signs ng karahasan, mas pinaigting pang koordinasyon sa mga paaralan, mga magulang, lokal na pamahalaan at law enforcement agencies, pagpapalawak pa ng anti-bullying initiatives at pag-update sa emergency response plans.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">