Advertisers

Advertisers

Prosecution panel pinabibilis ang pagtatapos ng pre-trial para sa July 6 na impeachment trial

0 7

Advertisers

PINAPABILIS ng House prosecution panel ang pagmamarka ng mga ebidensiya sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte upang matapos ang pre-trial process bago ang nakatakdang paglilitis sa July 6.

Sinabi ni prosecutor Atty. Gerville Luistro, kasalukuyang tinatalakay sa pre-trial ang mga dokumentong ebidensiya para sa unang dalawang Articles of Impeachment na may kaugnayan sa confidential funds at umano’y hindi maipaliwanag na yaman.

Inaasahan ng prosekusyon na maglalabas ang Senate impeachment court ng pre-trial order matapos makumpleto ang pagmamarka ng mga ebidensiya ng magkabilang panig.



Ang kautusang ito ang magsisilbing gabay sa paglilitis at maglalaman ng mga napagkasunduang katotohanan, listahan ng mga testigo, ebidensiya, at iskedyul ng pagdinig.

Ani Luistro, nananatili sa Hulyo 6 ang pagsisimula ng impeachment trial sa kabila ng mga hamon sa pre-trial proceedings.



Dagdag pa niya, nais sana ng prosekusyon na magdagdag ng isa pang grupo para mapabilis ang pagmamarka ng napakaraming ebidensiya, ngunit hindi ito sinang-ayunan ng depensa dahil sa kakulangan umano ng mga abogado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">